Sunday, February 21, 2021

ESTATE TAX RETURN (ETR) -Ano ang dapat gawin kung ang property ay nakapangalan sa taong namatay na

February 21, 2021 0 Comments

 


REMINDER

Kung ang property nyo po ay nakapangalan pa sa isang taong namatay na, dapat pong magfile ng Estate Tax Return ( ETR) within 1 year from date of death (sa mga namatay mula 2018 pataas) at within 6 months from date of death sa mga namatay ng 2017 pababa.


Please lang po, huwag po natin pabayaang hindi magfile agad.  Napakalaki po ng penalty nyan at interest kapag hindi po nakapagfile on time. At kapag tumagal na po, pahirapan na ang documentation nyan at maaaring kapantay na ng value ng lupa ang maaring bayaran ng mga tagapagmana nyan. Ang pag-aari po ng namatay na ay hindi po maililipat sa iba hanggat hindi natatapos ang pagpafile at  pagbabayad ng kaukulang estate tax.


Pwede pong mag avail ng tax amnesty yung mga namatay ng 2017 and pababa.  WAIVED po ang interest and penalties. Malaking katipiran para sa mga hindi nagawang magfile sa tamang panahon dahil ang penalties and interest ang syang nagpapalaki ng babayaran.  Ang deadline po para mag avail nito ay sa June 2021. Opo, matagal pa po dahil alam ng gobyerno na mahirap kumuha ng mga requirements/documents lalo na yung mga matatagal na pong namatay na. Kaya START na po tayo sa documentation.



Saturday, January 30, 2021

Tips for BOUNCE PLAYS

January 30, 2021 0 Comments

 



BOUNCE PLAYS - tips on playing the bounce:


1) Look for strong confluence support areas - overlap key levels on the daily charts with possible intraday levels. Notice how the gap level for BSC and PHA at the daily held their levels? It's ok to plot fibo levels pero basic na yan, it's just a measuring tool. At the end of the day levels of support and resistance are important kasi these can somehow measure levels of buying interest/demand.


2) BE PREPARED, be very prepared - on bounce plays, the market can play out its scenarios dynamically, from gap downs to sideways opens to gap ups - how well you can manage these scenarios is key.


3) ADAPT AND REACT - this is the only way to be able to execute in bounce plays. Sometimes pag di ako nakakabili sa level na gusto ko I maintain my composure and look for the next possible buying area.


4) WAG MAGPAKA GINYUS - Di kelangan makabili sa pinaka baba, wag na magpaka ginyus please lang, pede naman bumili on signs of strength or as the stock is going up. Ang goal mo sa bounce play is to have a setup you can profit from in a short span of time.


5) KALMA LANG - when it comes to exits, FOLLOW YOUR PLAN, especially when it's just your buy day. Don't just react prematurely to every candle, trade the move/levels. Monitor your targets and your stops.

Ang benepisyo ng mansanas

January 30, 2021 0 Comments




Ang Pinakuluang Mansanas pala ay Maraming Benepisyo sa ating Kalusugan at Nakakagaling pa ito ng ilang mga Sakit.


Basahin na dito.


Ang pinakuluang mansanas ay maaaring mayroong pagkakaiba sa taglay na sustansya o nutrients ng sariwang mansanas. kaya naman ang sustansya ng pinakuluang mansanas ay depende sa kung gaano katagal ito pinakuluan.


Narito ang mga Health Benefits ng pinkuluang mansanas o "boiled apple" sa ating kalusugan:


1. Tumutulong ito para magkaroon ng mas malusog na puso.


May kakayahan itong makontrol ang mga iba't ibang sakit sa puso katulad nalang ng atake sa puso o heart attack. Napapanatili nito na malusog ang puso sa pamamagitanng pagsupply nito ng hangin at tamang pagdalay ng dugo sa puso.


2. Tumutulong ito sa pag-iwas sa sobrang pagtaba.


Ang pagain ng pinakuluang mansanas ay nakakatulong sa pagiwas sa sobrang fat na nagiging dahilan ng pagtaba o "obesity". Tumutulong ito upang mabawasan ang inyong timbang ng makaiwas na din sa sakit na kaakibat ng "obesity".


3. Tumutulong ito ssa pagkontrol ng lebel ng sugar sa katawan.


Isa pang benepisyo ng pagkonsumo ng "boiled apple" ay ang pagpapanatili ng inyong blood sugar na normal. At dahil dito, naiiwasan ang posibleng pagkakaroon ng diabetes. Kaya naman ang mga taong may diabetes ay dapat na kumian ng pinakuluang mansanas upang makontrol ang kanilang sugar at di na ito tumaas pa.


4. Tumutulong ito upang makontrol ang Kolesterol o "Cholesterol level".


Ang "boiled appple" ay maganda at mabisa upang mapanatiling normal ang lebel ng kolesterol sa ating katawan. Gayunpaman, nakakatulong din ito sa pag-iwas sa anumang kundisyon sa puso katulad ng "stroke" at iba pang komplikasyon na may kinalaman sa pagtibok ng puso.


5. Nakaktulong ito sa maayos na pagdumi sa araw- araw.


Mabisa ang pinkuluang mansanas upang mapabilis ang pagtunaw ng pagkain sa loob ng ating katawan. Tumutulong ito upang maabsorb ang mga sustansya at hindi ang fat o mga taba.


Gayunpaman maaayos nito ang ating sistmang panunaw upang mailabas ang ating mga dumi.


Paraan upang gawin ito:


1. Pumili ng mansanas na pula,dapat maayos at walang sira.


2.hugasana ito ng mabuti sa tamang laki.


3. Ilagay sa kung saaan ito lulutuin.


4. Pakuluan ito hanggang sa umiba ito ng kulay.


5. Kainin ito araw- araw para sa mas magandang resulta at mas epektibo.


#ShareNow

#TagYourLoveOnes

#ShareThisInformation

Poop Ni Baby 💩( Diarrhea at Constipation ng baby)

January 30, 2021 0 Comments



May dalawang problemang may kinalaman sa tiyan ang mga sanggol: kundi hirap sa pagdumi, ay sira naman ang tiyan. Ang “baby poop” ay isang natural na “pangyayari” sa buhay ng mga magulang. Kaya naman dapat maging handa at maalam sa kung anong dapat asahan at gawin kapag humarap na sa problemang pang-tiyan ni ng anak. Narito ang mga bagay na dapat mong malaman sa constipation at diarrhea ng baby.


*Ano nga ba ang dapat malaman tungkol sa pagdumi ng iyong baby? Narito ang isang dosenang impormasyon na makakatulong sa pag-aalaga ng batang may karamdaman sa tiyan.


1. Ang CONSTIPATION at DIARRHEA ng baby ay maaaring sanhi ng allergy ng bata sa pagkain

Ang alam ng marami, basta allergy ang pinag-usapan, rashes, pantal at hirap sa paghinga ang sintomas o epekto. Hindi alam ng iba na nakakaapekto din ito sa bowel patterns ng bata. Kapag may allergy kasi, ang immune system ay higit na sensitibo sa isang “substance” o pagkain, kaya’t may reaksiyon ito.


Kapag ang naramdaman ng digestive system ang pagkain na isang allergen, may reaksiyon ang digestive tract o bituka para labanan ito. Ito ang magiging dahilan ng diarrhea, dahil pinapabilis ang panunaw. O ‘di naman kaya ay pinapabagal ang panunaw para hindi kumalat sa ibang bahagi ng digestive tract—kaya’t nahihirapan dumumi. Ipinapayo ng doktor ang isa-isa at dahan-dahan na pagpapakilala ng pagkain kay baby para malaman kung ano ang hindi kasundo ng tiyan nito.


2. Ang constipation at diarrhea ng baby ay sanhi ng pagka-irita ng gastrointestinal tract

Ang diarrhea ay sanhi ng pagka-irita ng gastrointestinal tract kung kaya’t pinapabilis nito ang pagtunaw at pagdumi para mailabas na ang mga irritant. Madalas, hindi kasundo ng tiyan o sistema ang gatas kaya’t nagkakaroon ng diarrhea o malalang pagdumi, na madalas ay matubig at hindi buo. Bagama’t hindi lahat ng ganitong uri ng pagdumi ay matuturing na diarrhea, kailangan pa rin obserbahan kung gaano kadalas at ano ang itsura ng dumi. Sa unang buwan ng sanggol, karaniwang madalas talaga ang pagdumi kaya mapapagkamalan na diarrhea ito.


Tandaan na ang diarrhea ay mas matubig at may kakaibang kulay at amoy. Mas madalas din ito kaysa ordinaryong pagdumi ng bata. Idagdag pa ang pagsakit ng tiyan, lagnat at buo-buo pang pagkain sa dumi na hindi natunaw nang maigi. Iwasan muna ang pagbibigay ng pagkaing hindi pa nasusubukang ibigay kay baby para maiwasan ang paglala pa ng kondisyon. Ang karaniwang nakakapagpalala ng problema sa panunaw at mga karaniwang allergen ay itlog at gatas.


Itanong sa pediatrician kung ano ang mga pagkaing makabubuti sa kondisyon ni baby, at makakatulong para hindi siya madehydrate, tulad ng probiotic supplement at yogurt na may good bacteria para labanan ang anumang infectious organisms sa tiyan ni baby.


3. Impeksiyon at food poisoning ang dalawang pinakakaraniwang sanhi ng diarrhea

Minsan ay nakakakain o naisusubo si baby na may mga infectious microorganisms. Malalamang impeksiyon ito kung may kasamang lagnat at pagsusuka, tulad din ng food poisoning. Kung ito ang suspetsa, dalhin agad sa doktor ang  baby.


4. Kapag hindi naagapan, may panganib na madehydrate ang bata

Ito ang pinakaunang bibigyan ng pansin ng doktor: ang mapanatiling hydrated si baby kapag may diarrhea. Masyado kasing mabilis ang pagdaan ng dumi sa intestinal kaya’t natutuyuan ito. Kapag tuyo ang bibig, madalang ang pag-ihi (o basang diaper), at lubog ang bumbunan, maaaring nadedehydrate na ito. Kung hindi maaagapan, magiging malala ang kondisyon ng bata tulad ng low blood pressure at pagkombulsyon. Mabuti rin na magsagawa ng tamang bilang ng pagdumi ng baby sa isang linggo. Para mamonitor ito.


Painumin ng fluids ang sanggol, tulad ng gatas ng ina o formula milk at tubig (kung nasa tamang edad na). Kung hindi maganda ang reaksyon ng tiyan niya sa gatas, kumunsulta sa doktor kung anong oral rehydration solution ang pwedeng ipainom sa kaniya.


5. Ang constipation at diarrhea ng baby ay kapag hirap sa pagdumi si baby

Sa kabilang banda, kapag matigas at maliliit na parang bato o pebbles ang dumi o ni hindi dumudumi ang bata, problema din ito dahil masakit ito para sa sanggol. Kung alam na kung ilang beses regular na dumudumi ang bata, at napansing madalang na ito, maaaring constipated ito. Kapag dumumi man ito, hirap na hirap sa pag-iri, at naiiyak na sa sakit.


6. Hindi natunaw ng maigi ang kinain, kaya’t buo-buo pa ito na dumadaloy sa digestive system.

Ito ang nagiging dahilan ng constipation. Minsan, ito ay dahil din sa kakaibang problema sa bituka, tulad ng Hirschsprung’s disease, isang congenital condition kung saan ang walang nerve cells sa large intestine kaya’t hindi makatunaw ng pagkain.


7. Ehersisyo at fiber diet ang solusyon.

Ilakad si baby sa labas at masahehin din ang katawan lalo na ang mga binti ni baby. Nakakatulong ang pag-eehersisyo para matulungan ang panunaw ng bata.


Madalas ay kulang sa fiber ang bata, kaya’t ang pinakamadaling solusyon ay bigyan siya ng mga pagkain na mayaman dito. Ang fiber ay isang uri ng carbohydrate na hindi natutunaw sa tiyan at nakakatulong na maitulak ang dumi palabas ng katawan. Prutas at gulay tulad ng peas, broccoli, avocado, pear, at blackberries, pati oatmeal at iba pang grains ay mayaman sa fiber. Painumin din ng maraming tubig at iba pang fluids, kung nasa tamang edad na sa baby para uminom ng tubig (6 months pataas).


Subukan din ang pagpapainom ng paunti-unting prune, apple, o pear juice. Pwede rin itong ihalo sa gatas.


8. Minsan ang gatas ang gamot sa pagtatae o pagpapalit mula breastmilk ang sanhi ng constipation.

Napapansin din ng iba na nacoconstipate si baby kapag nagpapalit na ng gatas mula sa pagiging breastfed ay iinom na ng formula milk. Mas madali kasi talagang matunaw sa tiyan ang gatas ng ina. Madalas na pinapayo ng doktor ang pagdadagdag ng tubig sa timpla ng formula milk, para sa ilang timplahan.


Ibinabalik ito sa dating timpla kapag umayos na ang pagdumi ng bata. Ang formula milk kasi ay may mga sugar at protein na minsan ay mahirap tunawin ng isang sanggol o bata.


9. Kung ang bata ay 4 na buwan o mas bata pa, at may diarrhea at lagnat, dalhin kaagad ito sa doktor sa unang suspetsa pa lamang.

Ang mga sanggol sa ganitong edad ay mahina pa ang immune system, kaya’t maaaring lumala ang akala ay mild infection o karaniwang pagdudumi lang. Sa unang senyales pa lang ng dehydration, kailangan agad dalhin sa doktor, lalo na kung ayaw uminom ng tubig at halatang nanghihina na ang bata.


10. Ang constipation at diarrhea ng baby ay nagpapahirap sa kanya

Kapag napapansin nang hirap na hirap ang bata sa pagdumi, may nakitang dugo sa dumi, at nasasaktan na, huwag mag-atubiling ikunsulta sa doktor at itanong ang gamot sa pagtatae. Kapag kasi sobrang tigas ng dumi, maaaring masugatan o magasgas ang puwit ng bata. May mga stool softener na maibibigay ang doktor. Kapag nanghihina na ang bata, nagsusuka at malaki at matigas ang tiyan, dalhin agad sa doktor.


11. Ingatan ang sensitibong balat ni baby

Ang mga problema sa tiyan ni baby ay madalas na nakakaapekto sa diaper area nito. Kapag kasi madalas ang pagdumi, natural lang na punas ng punas sa puwit para linisin ito, na nagiging sanhi ng diaper rash. Kung masyadong matigas naman, nasusugatan nga ang labasan ng dumi.


Kapag nililinis ang dumi sa diaper area, siguraduhing walang maiiwang kahit maliit na dumi. Iwasan ang paggamit ng wet wipes na matapang ang alcohol. Mas maiging tubig at bulak, o direktang tubig ang panlinis. Karaniwang gumagamit ng mga cream o  mga diaper ointment kapag may malalang kaso ng diaper rash.


Itanong sa doktor ang bagay na ipahid sa rashes ni baby. Pabayaan din munang walang diaper si baby, para makahinga ang diaper area. Maaari kasing lumala kung nakakulob sa diaper (lalo kung disposable, at mainit pa ang panahon).


Ang mga paalala na ito ay maaaring makatulong sa’yo para sa alternatibong gamot sa pagtatae ni baby. Ngunit mas inaadvice na magpakonsula sa doctor at alamin ang gamot sa pagtatae ayon sa doctor.


Thursday, January 14, 2021

PAANO I-HANDLE ANG “DISTANT” NA ASAWA?

January 14, 2021 0 Comments

PAANO I-HANDLE ANG “DISTANT” NA ASAWA? 





Kung may distant-learning meron ding distant-hubby/wifey 😅💔


Minsan parang nakakapagod na lumaban mag-isa. Lalo na kung yung asawa mo parang walang effort, wapakels, distant... 


Sabi nga “It takes TWO to Tango” pero feeling natin magisa nalang tayong sumasayaw ng tango 💔 Minsan parang gusto nating mag-solo nalang at mag-tiktok 🤣


So paano nga ba i-handle ang mga asawa nating cold at nagpapaka-distant? I hope these 9 practical tips help you: 


1. UNDERSTAND THEIR WITHDRAWAL 


For sure merong dahilan kung bakit sila lumayo o napalayo. Subukan nating ilagay ang sarili natin sa salawal nila at unawain na may context kung bakit sila nagkaganun. Instead na hanapan natin sila, sarili natin ang hanapan natin. Kasi kahit hanapan natin sila wala naman tayong magagawa kasi sarili nila yun 😅 pero tayo, may magagawa sa sarili natin. We can start the change sa sarili natin. 


2. HUWAG PERSONALIN 


Minsan hindi naman talaga ikaw ang dahilan. Baka naman may crisis lang sya sa sarili nya. O kaya meron syang matinding setback sa career. Your spouse may be going through a phase that requires some alone time. Anuman ang dahilan nya, ma-realize nawa natin na mas mainam kung mahinahon at kalmado natin siyang susuyuin kaysa pagalit tayong magdedemand. Kapag ready na syang mag-share ng feelings niya, make sure to listen sensibly. Hindi lalabas sa protective shell ang asawa natin kapag na-sense nila ang pagiging selfish and inconsiderate natin. 


3. GIVE HIM/HER SPACE KUNG TALAGANG KAILANGAN NIYA 


Kahit hindi naman siya astronaut, sige na rin. Bigay mo na space na gusto nya. Kung ikaw yung tipo ng asawa na laging naka-comment, naka-puna at naka-tutok bente kwatro oras, pwes, back off MUNA. Wag mo na muna gayahin si Mike Enriquez at tantanan mo nalang muna sya. Minsan mas nakakarindi din talaga kapag ganun e. Kaya para hindi nila maramdaman na parang nasasakal na sila, make an effort to stay out of their zone and simply let them be. Respect. 


May mga tao kasing the more na sinusuyo mo, the more na lumalayo. Mag-oopen din yan. For now, support mo nalang muna sya sa pagiging astronaut nya 😅


4. RESPECT DIFFERENCES 


Magkaiba kayo ng gender. 

Magkaiba kayo ng upbringing. 

Magkaiba kayo ng kinalakihan na culture. 

Magkaiba kayo ng niyakap na mga values. 


Irespeto nyo nalang ang pagkakaiba nyo sa isa’t-isa. Debating opinions will only push them further away and you don’t want them to feel attacked. So instead celebrate your differences and accept that their opinions are what make them who they are.


5. REDUCE YOUR INTENSITY 


Be calm and be patient with your spouse. If you are usually a loud, fast-paced person, with a habit of giving unwanted advice all the time, then you need to slow down. Preno-preno din tayo. Lalo lang silang magiging cold kapag hindi tayo kumalma. 


5. MANAHIMIK AT MAGING MABAIT “PARIN” 


Hindi porket cold sya at distant e magiging ganun ka din sa kanya. Promise, kapag ganun ginawa mo baka mauwi kayo sa hiwalayan. You shouldn’t aggressively chase your partner, but you can act kindly and do little things to make them feel loved and valued. Pagsilbihan mo parin, kamustahin once in a while, mag-goodnight kiss ka parin, labhan mo parin ang brief nya 🤣 Sa madaling salita, maging mabuti ka parin sa kanya (kahit ang hirap hirap). 


So if your spouse is acting distant, you could reach out to him/her by praising him/her (make sure hindi parang nambobola) every chance you get and avoid criticizing him/her for now. Just be considerate sa feelings nya and go the extra mile para mapangiti sya. These small gestures of warmth will go a long way to renewing your love and bond with one another.


Tandaan, kindness is the most important quality a person can have when it comes to maintaining a loving, healthy and thriving marriage. 


6. DATE AT HINDI DIAGNOSIS 


Kung gusto mong mag-reconnect, try suggesting an activity na pwede nyong gawing dalawa. Plan a few dates and put each other in your schedules. The idea behind this is that you both make your relationship a priority and spend quality time together.


Kahit gaano ka ka-frustrated sa inaasal at kinikilos nya, always remember that your partner will always respond better to positivity than negativity and diagnosing your partner’s behavior is going to make things worse— lalo na kung di naman doctor 😅. 


7. PURSUE YOUR GOALS 


Isipin mo yung mga hobbies or projects na gusto mong simulan. Ito na ang pagkakataon para gawin yun. Sa halip na magmukmok tayo at magpaka-bitter, magpakahusay tayo. Set personal goals for yourself and achieve them. Yung mga balik-alindog program, online workshop at kung ano-ano pang goals, go get it! This is the best solution for being overly focused on your spouse. Pwede ka ding mag-open sa right people about your feelings para naman hindi maipon ang mga hinanakit mo. 


8. LOVE UNCONDITIONALLY 


Choose LOVE. Regardless. Hindi yung...


“mahal kita kung..”

“mahal kita kapag..”


Wag na tayo maglagay ng kondisyon.

Friday, January 8, 2021

Top 16 Reliable Online abroker 2021 (PSE)

January 08, 2021 0 Comments

 Para sa mga wala pang broker or unag babalak maglipat. Ito listahan.


Top 16 Reliable Online Broker in 2021 (PSE)

***PSETradex is good for day-trader. Web-based Direct Market Access to real-time data from PSE servers.


Maybank ATR Kim Eng – Min Deposit: ₱1,000,000.00

https://bit.ly/2LhJwVk

Powered by PSETradex


Timson Securities, Inc. – Min Deposit: ₱100,000.00

https://bit.ly/3rW98aX


DA Market Securities, Inc. – Min Deposit: ₱100,000.00

https://bit.ly/3pU2VL 9

Powered by PSETradex


2TradeAsia – Min Deposit: ₱25,000.00

https://bit.ly/3ne8cv9

Powered by Technistock

Paperless withdrawal

Mobile App


HDI Securities, Inc. – Min Deposit: ₱25,000.00

https://bit.ly/3rTW5ab

Powered by PSETradex

Mobile App


Investor Securities, Inc. – Min Deposit: ₱25,000.00

https://bit.ly/2JLr8nr

Powered by PSETradex

Mobile App


Optimum securities corporation – min deposit: ₱25,000.00

https://bit.ly/3ndt6dJ

Powered by PSEtradex


AP Securities Incorporated – Min Deposit: ₱15,000.00

https://bit.ly/38feVRl

Powered by Technistock


BA Securities, Inc. – Min Deposit: ₱15,000.00

https://bit.ly/35ffQzk

Powered by PSETradex


RCBC Securities, Inc. – Min Deposit: ₱10,000.00

https://bit.ly/35eqTJ1

Powered by Technistock

Paperless withdrawal


UCPB Securities, Inc. – Min Deposit: ₱10,000.00

https://bit.ly/2LgAkk1

Powered by Technistock

Paperless withdrawal


Unicapital Securities, Inc. – Min Deposit: ₱10,000.00

https://bit.ly/3okCu0y

Paperless withdrawal

Mobile App


Wealth Securities Inc. – Min Deposit: ₱10,000.00

https://bit.ly/3hNtoHd

Powered by Technistock

Mobile App


Philstocks Financial, Inc. – Min Deposit: ₱5,000.00

https://bit.ly/38oMEb2

Paperless withdrawal

Mobile App


A & A Securities, Inc. – Min Deposit: ₱2,000.00

https://aa.psetradex.ph/

Powered by PSETradex


AB Capital – Min Deposit: No minimum required

https://bit.ly/38goNdz

Powered by Technistock

Paperless withdrawal

Mobile App


***PSETradex the Online Trading Services provided by the Philippine Stock Exchange (PSE) to Trading Participants that can be offered to investors.

Tuesday, September 15, 2020

SABOTAHE SA MANILA BAY!!!

September 15, 2020 0 Comments

 



According to the study, the current rehabilitation of manila bay could cause health issues for those suffering from hypocrisy and having a crab mentality, it will also cause growing jealousy among the supporters of the previous administration.



Maraming may ayaw sa pag papatuloy na pagandahin ng DENR ang Manila Bay. Kung inyong titingnan sa larawan ang Manila Bay noong panahon administrasyong Nonoy Aquino. Walang artistang naglakas-loob na mag ngakngak at murahin ang bugok na administrasyon ni BS Aquino. Wala ring Dilawan na nag ingay dito. Ang larawan na makikita ay isa lamang sa nagpapatunay na malaking problema ang punong puno ng basura sa dalampasigan ng Manila Bay.





Ngayon naman na pinapaganda at nilinis ng Administrasyong  Duterte, Marami ng nakisawsaw at nakikialam kahit na matagal ng plano ito at may nakalagak na pondo para dito. Ang larawan sa baba ay ang pinaka latest na ngyayari ngayon sa Manila Bay.


 

Ang larawan sa baba ay ang plano o magiging itsura pagkatapos ng project sa Manila Bay.