Malaki ang pagkakaiba ng Investor at Trader. Iba iba din ang pananaw ng bawat tao na nakadepende sa kanilang goal at pangangailangan.
Ang isang trader ay bumibili ng mga stocks at pagkatapos ay ibebenta ang mga ito sa loob lamang ng isa or ilang araw. Nakabantay sila lagi sa fluctuation o pagbaba at pagtaas ng presyo ng bawat stocks. Kumbaga alam nila ang galaw ng market kung kaya't halos kabisado na nila ito mayroon din silang paniniwala history repeat itself. Kapag bumaba ang presyo, bibili sila. Kapag tumaas, magbebenta sila. Ang trading sa stock market ay parang sugal. Kung wala kang alam tungkol sa technical analysis, fundamental analysis, indicators, at kung anek anek pa, para mo na ring ipinamigay ang pera mo sa stock market. Pero kung ikaw ay may alam at magaling sa mga ito, at ibayong pag aaral ikaw ay may posibilidad na maka-jackpot.
Ang isang investor ay bumibili ng mga stocks at ibebenta lamang ito pagkalipas ng 5 hanggang 20 taon. Minsan, mas matagal pa doon! Marami dito ang nabibilang. Sila ay mga long-term investors. Bumaba man o tumaas ang presyo sa stock market, wala silang pakialam. Deadma. Si Warren Buffet — the richest man the stock market has ever made — ay isa ring long-term investor.
No comments:
Post a Comment