Saturday, September 5, 2020

ANO ANG PAGKAKAIBA NG TRADER SA GAMBLER?

 


Ano ang pag kakaiba ng TRADER sa GAMBLER?

Marami ang nagsasabi na ang Stockmarket daw isang sugal well mali yan, hindi yan totoo. Alamin kung ano ang pagkakaiba ng dalawa.

TRADER

Proper Risk Management - nakakatulong ito para kahit papaano lumiit ang losses. Nakakatulong din ito para maprotektahan ang account ng isang trader. Yung risk factor nabubuo kapag nagkakaron na ng loss ang isang trader pero kung maimanage ito ng maayos possible na kumita ang trader dito.

Alam nyo ba na ang trader na kumikita ng malaki sa market ay pwede din matalo o malugi sa isang iglapan lang kahit one bad trade or 2 bad trade pwedeng mawala lahat without proper risk management strategy.


Trade the Trend - Ito ay isang stratehiya na napapaloob ng Technical indicators para malaman ang direksyon sa merkado. Nagkakaroon ka ng idea para i analyze ang galaw sa market pati na ang price neto sa posibleng mangyari sa future. Nakakatulong din ito para maka exit or maka sell agad kung posibleng pagkaloss sa market.


Depends on Strategy - Ang bawat trader ay may stratehiya na ginawa mostly through experience mabilis silang nakaka isip ng hakbang kung paano ang gagawin kung sakali na sila ay natatalo.


Trades like a sniper -  bilang isang trader masasabi kong mabilisan once na nagkaroon na ng profit labas na agad. May mga rules na isinasaisip ang bawat trader kung ilang percent out na sila.


Consistent Profits -  bilang isang trader kelangan consistent talaga kasi mostly gingawa na itong trabaho kung saan ang kita mula sa market ay pinang gagastos na sa pang araw araw na kelangan at Yung iba naman pinapaikot




GAMBLER

High for higher return - kapag nagsugal ka sa isang casino possible na umuwi kang luhaan possible din na umuwi kang masaya. Win or loss ika nga ng marami.


Trade against Trend -  walang sinusundang teknikal indicator dito basta na lang kung ano ang nararamdaman basta na lang nanghuhula kung ano ang matipuhan tatayaan.


Depends on Luck - kung swerte ka edi panalo ka kapag hindi edi talo sport lang ang datingan


Trades like a Machine gun - dahil walang sinusundang precautions or teknikal indicator or even fundamental analysis basta basta na lang taya ng taya sa totoo lang nakakaadik naman talaga magsugal aminin man naten sa hindi feeling super hero tayo kapag nananalo tayo hanggang sa mag tuloy tuloy na ang taya.


High Risk lead to high losses -  masyadong malaki ang risk factor neto kasi  hindi mo alam kung mananalo ka o hindi. Once na tumaya ka kelangan mong isipin na pwedeng mawala ang perang pinag hirapan o lumago ito.


REMEMBER: 

If you have the money. Invest in knowledge, then courage will go along the way when you are ready. Huwag maginvest kung di mo alam kung ano ang pinasok mo.


No comments:

Post a Comment