Sunday, February 21, 2021

ESTATE TAX RETURN (ETR) -Ano ang dapat gawin kung ang property ay nakapangalan sa taong namatay na

 


REMINDER

Kung ang property nyo po ay nakapangalan pa sa isang taong namatay na, dapat pong magfile ng Estate Tax Return ( ETR) within 1 year from date of death (sa mga namatay mula 2018 pataas) at within 6 months from date of death sa mga namatay ng 2017 pababa.


Please lang po, huwag po natin pabayaang hindi magfile agad.  Napakalaki po ng penalty nyan at interest kapag hindi po nakapagfile on time. At kapag tumagal na po, pahirapan na ang documentation nyan at maaaring kapantay na ng value ng lupa ang maaring bayaran ng mga tagapagmana nyan. Ang pag-aari po ng namatay na ay hindi po maililipat sa iba hanggat hindi natatapos ang pagpafile at  pagbabayad ng kaukulang estate tax.


Pwede pong mag avail ng tax amnesty yung mga namatay ng 2017 and pababa.  WAIVED po ang interest and penalties. Malaking katipiran para sa mga hindi nagawang magfile sa tamang panahon dahil ang penalties and interest ang syang nagpapalaki ng babayaran.  Ang deadline po para mag avail nito ay sa June 2021. Opo, matagal pa po dahil alam ng gobyerno na mahirap kumuha ng mga requirements/documents lalo na yung mga matatagal na pong namatay na. Kaya START na po tayo sa documentation.



No comments:

Post a Comment